image from google |
Naroon siya’t nag-aabang,
Inaantay ang kredo ng ilang matatapang,
Adhika niya’y lumaban, sa sistema’y tumaliwas,
Gamit ang puso susupilin ang dahas.
Ngunit muli kanyang laba’y nabigo.
Sapagkat magigiting patuloy na nagtago.
Kanilang hinayaan ang bayang madusta,
Pamunuan ng taong yaman lamang ang nasa.
Umaasang may isang magiting na hahamon,
Upang ang bayan sa putik maiahon.
Ngunit ang paghihintay tila dina matatapos,
Lalo’t mga puso’y nababalot na ng takot.
Sa mga paslit ang bukas ay isang bangungot,
Gayung ang kasalukuya’y muog ng pagbabago.
Ang kahapo’y nanatiling mali na itatama,
Gamit ang aral sa kamalia’y makukuha.
Patuloy na aasa itong buong bayan,
Na may isang Magiting na muling lalaban.
Ang tauhan ng bulok at mapanglinlang na sistema,
Hahatulan ng bayan at ikakadena.
Ang mundo ni Magiting ay sadyang kay gulo.
Dahil mga dakila’y mangingibig ng trono.
Sila’y matatalino kung kaya’t nanloloko,
Ang baya’y bibubulag ng nasang di raw biro.
Sila-silang mababangis ay nagkakagatan,
Silang mga hayok sa lakas at kapangyarihan.
Ngunit sa huli kanilang kulay lilitaw,
Dakila sa umaga, sa gabi’y magnanakaw.
No comments:
Post a Comment