Image from google |
Binubulag ngayon sa kasalukuyan.
Kanino na lalapit itong si Juan?
Ngayong nabawasan bayani n’yaong bayan?
Tinitikis ng kahirapan.
Dinaraya ng nanunungkulan.
Lugmok na sa dusa,
Tuloy pa ring inaalipusta.
Ika’y magmasid. At iyong mamamalas.
Yaong bayang dati’y binawian ng laya,
ngayo’y binibihag,
muling isinisilid sa bakal na hawla.
Maraming sumubok at nabigo.
Ngunit mas maraming naduwag at nagtago.
Nasaan na ang mga magigiting?
Hayu’t lapida kanila ng kapiling.
Sumunod sa agos niyaong kasaysayan.
Itong bansang alipin ng makapangyarihan.
Wala na nga bang disposisyon si Juan?
At naging sunud-sunuran na lamang ni John?
Kagitingan ng kahapo’y atin ng kailangan.
Pag-alaala sa paninindigan niyaong mga nangakipaglaban.
Kanino? Iilan? Hanggang saan?
Sino ang magsisimula ng panibagong laban?
(Ang tulang ito ay unang inilathala sa blog na somnolentdyarista.blogspot.com. Ito rin ay pagmamay-ari ng may-akda)
No comments:
Post a Comment